Ang May Pakana


ANG MAY PAKANA


Masarap maging matatas sa Ingles. Madaming pakinabang ito lalo na kung ang trabaho mo ay sa isang call center o kung hilig mo ang maglakbay. Maiaangat ka nito sa iba. Pero ang kagustuhan kong maging matatas sa Ingles ay hingi nangangahulugang kakalimutan ko ang sarili kong wika. Hindi mangyayari yan! Nakakahiya minsan na nararamdaman kong mas nahihirapan akong mag-tagalog kesa mag-Ingles. Nakakahiya! At hindi ko matanggap sa tuwing nangyayari 'yun. MALI!

Kaya naisipan kong ipagpatuloy ang pagsulat ko sa tagalog. Noon pa man ay nagsusulat na ako ng mga tula sa tagalog pero hindi ko ibinabahagi ang mga ito kanino man. Nahihiya ako. Natatakot na mapagtawanan at masabihan ng 'corny'. Muli, nahiya ako sa sarili kong pagkahiya. MALI!

Aaminin ko ding may mga pagkakataong napapansin ko na napakadali para sa 'kin na paboran ang mga banyagang pelikula, artista o banda kesa sa sariling atin. Ang kapal ng mukha ko para maramdaman 'to. MALI!

Marahil ay 'Tag-lish' ang kalalabasan ng karamihan sa mga isusulat ko dito sa blog na ito dahil ang gusto kong tema ay 'conversational' - 'yung tipong parang nakikinig ka lang sa isang nagkukwento habang naghihintay ng jeep na sasakyan pero higit pa sa temang nabanggit nais kong ipaalam sa lahat na ito ang munti kong paraan para i-tama ang sarili kong mga mali.