Hmm..hindi naman ito ang unang beses na nagsulat ako sa Tagalog. Madaming beses na din noong nasa college ako at nung naging teacher ako. Sumusulat ako ng mga maiikling tula na gumagamit ng ‘conversational’ tagalog at ginagamit ko ang mga iyon sa mga discussions ko sa class. Ita-try kong mag-tagalog sa blog entry na ito, pero obviously, Taglish ang kalalabasan.
Phtoto grabbed from Sunygraphics |
Ito ay nangyari mga three years ago. Pauwi ako galling sa night shift, pagod na pagod at antok na antok. Madaling mahalata sa isang jeep kung sino ang mga taga-call center. Sila ‘yung mga antok na antok (patapos pa lang kasi ang araw sa amin), naka jacket kahit mataas na araw (aircon kasi sa office), naka-shades (nasisilaw sa init ng araw), minsan naka-ID pa at hindi na ganun ka-fresh (samantalang ang mga katabi ay bagong ligo papasok pa lang sa trabaho).
Sumakay ako ng jeep na SOGO-GABBYS pauwi. Habang naghihintay mapuno ang jeep may sumakay na isang babaeng nakamini-skirt, naka-shades, naka-jacket at may i-pod. Well, mukhang taga-call center. Nagbayad siya sa kolektor ng bente. At nang matapos ang kolektor na maningil nagtanong, “Sino pa may sukli dyan oh!” Sumagot ang babaeng (taga-call center) ng, “Ako po mama, ‘yung sukli ko sa tweni (she meant ‘twenty’ pronounced the American way). Siguro it’s safe to assume na ayon sa tipikal na description ko ng call center agent sa naunang paragraph, halos kalahati ng mga pasahero ay mga taga-call center (well, 5 of them ay naka-ID pa). Napatingin ang lahat sa kanya ng marinig ang ‘tweni’ (take note, enunciated ang letter ‘T’). Bumaba ang kolektor na parang walang narinig at bumalik pagkatapos ng mga 15 segundo, inabot ang sukli at nakangiting sinabi, “Etow na pow ang sukli nyow sa tweni”. Kung ako ang Comms Skills trainer ni kuya ay baka mabigyan ko siya ng mataas na point sa English skills test sa tamang pag-enunciate ng consonant sound /t/ sa 'tweni' niya. Check!
Ok, ang hirap pigilan ng tawa kaya pinilit kong tumingin sa labas ng jeep. ‘Yung mga boys sa tapat ng babae ay hindi ata nakapagpigil at biglang nagbungisngisan. Bilang patunay na hindi siya apektado, sinuot ang shades pero hindi maitago ang pagkainis ng magba-bye pa sa kanya ang kolektor.
Well, she actually pronounced it right and I guess we can forgive her for saying it that way sa isang pang-publiko at pang-masang lugar. Pero ang hinding-hindi ko talaga matanggap ay pag nakakarinig ako ng mga taga-call center na pag tinanong mo kung san nakatira ang sasabihin sa ‘yo ay ‘Meketi’, ‘Mendeluyong’, “Entipolow’. Grrrrr…. Kelan pa naging ‘Entipolo’ ang ‘Antipolo’. Ha? … Haaay… I won’t be surprised kung dumating ang araw na ang Cogeo ay ‘Cojeyow’ na.
Sa mga tinamaan, sorry po pero ang pangalan ng lugar ay dapat binabasa sa paraan ng pagkakabigkas ng mga nakatira doon. Gaya ng Iowa, New York at ano pa mang mga lugar sa Amerika. Ang pangalan ng ating mga lugar ay ganun pa din ang pagkakabasa kahit ilang call center pa itayo dito sa bansa natin.
At… hindi po ako galit.. Hehe
haha! natawa ako dito ms fox, although totoo, i mean tama na na-pronounce nya ng tama yung twenty, at minsan ay nate-tempt na rin akong sabihin yun pag nagbabayad ako at tinanong kung magkano ang ibinayad ko, kaso sa kultura nating mga Pilipino, sometimes you have to mispronounce words to get rid of the label "maarte."
ReplyDeletecherrylej - tama! pero ok lng naman siguro mag-english anywhere lalo na kung sanay na. hinay-hinay lng at higit sa lahat 'wag baguhin ang pag-pagbigkas sa mga tagalog na pangalan ng lugar.
ReplyDeleteMs.Fox.Nakarelate ako dito.Natawa tlga ako while reading this article. Nangyari na kasi ito sa akin,,,and totoo na nalelabel na maarte if you pronounce words correctly.Anyway, may narinig na akong nagsabi ng Cojeyo (Cogeo) nung Thursday lang.Nadismaya lng ako sa babae..
ReplyDelete