|
Logo hiniram kay Mark Zuckerberg. |
Mabait po talaga akong tao. Masasabi ko ding friendly ako (according to my friends). Pero may mga bagay yata talaga na dapat sabihin para mabawasan ang mga occasional na pagkainis sa mga munting bagay-bagay gaya ng mga simpleng pangyayari sa FACEBOOK – ang favorite tambayan ng mga Pinoy.
Gano na ba ko katagal sa Facebook? Hmmmm… matagal na din. Simula ng makipaghiwalay ako sa napakaseloso kong Ex na pinagbawalan akong mag-social network. Buti na lang yung sumunod na Ex sa kanya ay hindi kagaya niya. Ok lang mag-Facebook. Pero hindi ang love life ko ang topic ko kundi ang mga feeling kong DOs and DON’Ts sa paggamit ng Facebook based on my personal experience. Mga opinion ko lang naman ang mga ito. Kung friend kita sa Facebook at nabasa mo ito then most likely hindi kita made-delete sa Friends list ko pag kaylangan ko nang mag-delete.
1. Huwag i-like ang status if it says something negative about how the person feels. Halimbawa, ang status ni Juan ay “I’m down with a cold’ or‘ay na-bad trip sa traffic’ Huwag mo naman i-LIKE. If you want to express your concern, mag-comment na lang ng ‘get well soon’ or ‘I’m sorry to hear that’. Empathy lines will do. Sige ka pag nasanay ka, baka mai-LIKE mo din pag status niya ay “My sister died”. Dude, pag ni-LIKE mo ‘to. Naku, there is something wrong somewhere.
2. Huwag mag-invite ng friend ng wala kang personal message sent kung ang profile name mo ay malayo sa kung anong alam niyang pangalan mo or kung ang hitsura mo ay sobrang layo sa hitsura mo dati. Halimbawa, Dati mong name ay Mariana Batungbakal at ang bago mong profile name ay Hot Ariana; at ang profie picture mo ay si Betty Boop. Baka dedmahin ang friend invite mo unless ang friend mo ay may fascination kay Betty Boop. In that case baka may pag-asa kang ma-accept. Kung hindi mo talaga kayang palitan ang name at picture mo, mag-send na lang ng message para maipakilala ang sarili mo ng maayos bago mo ipagkalat na suplado/suplada na ang friend mo ngayon.
3. Huwag maging habit ang ‘reply to all’. May dahilan kung bakit minsan ang message ay maraming recepients. Hello? Napaka-time consuming naman kung isa–isang i-send ang message sa 50 katao para lang tanungin ang phone number mo dahil nawala nya ang cellphone nya. Sa kagustuhan mong tulungan ang kaibigan mo na ma-revive nya ang phonebook nya, bigla kang click sa reply to all. Voila! Instant textmates! Or somewhere sa ibang lugar may nagbabanggit ng name mo at sinasabing "sino ba tong Pretty Pink na ‘to!”. Tapos magtataka ka bakit hindi matapos ang pagsamid mo. Alalahanin na hindi lahat ng tao ay interested malaman ang number mo or makinig, este, makibasa sa mga updates ng buhay mo. Reply to all only if your message concerns other people in the recipient’s list.
4. Huwag i-tag ang ibang tao kung hindi naman nila sinabi sa ‘yo na i-tag mo sila. Ang Facebook ang may privacy settings at hindi tayo pare-pareho ng choices. May mga taong ayaw na ipakalat sa publiko ang mukha nila habang nakangangang nanonood ng TV o nakatuwad habang kinukuha ang tsinelas. Kung sinabi sa ‘yo na i-tag sila, then by all means i-tag mo lahat ng makikitang mukha nia. Pag walang sinabi, huwag mo i-tag. Kung gusto mo ipalam na nai-upload mo na ang mga mukha nya este pictures nya, send na lang ng PM (private message) to her and to your other friends. Ang iba naman ita-tag ang ibang tao sa album ng ibang tao. Mas malala 'tong mga to! Huwag gawin 'yung unless sinabi ng friend mo na i-tag sila sa album ng ibang tao.
5. Huwag magnakaw ng photos, este, don’t grab photos without the owner’s permission. Nakakagulat kasi minsan na makakita ng pictures sa ibang FB page and you’re wondering why it has exactly the same shot and angle nang kinuha mo. When you click it, you find out sa ‘yo pala yun. Nag-upload ng album na parang bang siya lahat kumuha nun. Haaay! Kapag gustong mag-grab ng photo laging i-acknowledge kung kanino nanggaling ang photo. LALO na kung ang may-ari ng photo ay isang aspiring photographer who wants to make his/her own place in the photography world. Maglagay ng ‘photo grabbed from’ kung wala namang balak maging photographer si friend or ‘photo by’ kung alam mong may pangarap ang kaibigan mo lalo na kung dugo at pawis ang ginastos sa pag-figure out ng settings ng camera. More than anything else, I think this is about proper etiquette.So, maganda man o hindi ang pictures don’t forget na hindi sa ‘yo ‘yun, maliban na lang kung ikaw ang kumuha at pinahiram sa ‘yo ang camera.
6. Kapag naglagay ng quotes, sana ay ilagay lagi ang source maliban na lang kung hindi mo maalala. Huwag lang sanang sa lahat ng quotes mo ay hindi mo alam kanino nanggaling.Baka tsismis lang ang quotes mo magmukha ka pang tsismosa.
7. May mga status or posts ang mga kaibigan natin na we find interesting enough to make it our own status or post it on our wall. Huwag masyadong excited to the point na makalimutang kinopya mo lang ang post nila. Write ‘reposting Muscled Mario’s status’ or simply ‘repost’.
8. Karamihan sa mga friends mo sa Facebook ay mga katrabaho or kaklase. Natural lang na may mga friends ka dati mong katrabaho at ngayon ay sa ibang company na nagwo-work. Ang hindi ko lang talaga malunok ay ang makitang nagsusulat sa wall ng ibang tao ang friend na ‘to na umalis sa company nyo para mag-invite ng mga kaibigan mong iba na mag-apply at magpa-interview sa bago niyang kumpanya. Grrrr…. Hindi ba dapat ang mga bagay na ito ay pribadong pinag-uuusapan? Ate, sa Facebook wall mo ay may link ng messages, try mo click ‘yun at send a message to your friend. O kaya click mo name ng friend mo at click mo ang Send Message. Huwag nang I-broadcast ang job offer sa wall ng ibang tao na nakikita ng ibang friends mo at friends ng friend mo. Hindi po lahat ng tao ay interesado sa job hunting mo.
9. They say we have a freedom to express ourselves. Our Facebook status has, at some point, become our release of emotions. Pero sana naman huwag minu-minuto ang angst kuya! Kasi minsan ang saya ng umaga tapos pag scroll mo Facebook puro sakit at galit ang update mo every 10 minutes. Our freedom to express ourselves is not absolute. It should not interfere with other people’s freedom to choose to live a happy life.Ang mga minsanang angst ay normal lang.
10. Huwag i-tag ang mga friends mo sa mga binebenta mo. I-send na lang as a private message at least personalized pa. Ayoko kasi na pagtingin ng other friends ko sa photo page ko e puro cart ng fishball ang makikita nya at hindi ang mukha ko.
11. Huwag nang pagtygaang alamin kung sino ang nag-view ng profile mo kasi may titingin talaga dyan. Isa lang ang dahilan why someone would check the viewers, 'yung mga gusto malaman kung tinitingnan pa sila ng mga Ex nila. Ayun eh!
12. Huwag basta maniwala sa mga links at sabi-sabi.
13. Huwag bahain ng links ang wall ng friends. Baka umapaw ang friend sa galit kung ano pa mangyari sa 'yo at ikaw ang maging headline ng wall mo.
14. You can't help it. Hindi mo mapigilan ang sarili mo. Gusto mo talagang malaman who is viewing your profile, so you took the quiz at lumabas ako na TOP Profile Viewer mo. Pwes, I'm telling you, that's a hoax! I don't check other people's profile when I don't have to. When do I do? When you upload photos na kasama ako or when we talked about it - I,checking your profile or you ,checking mine.
15. Huwag magpalit ng pangalan every 2 days.Ano ba talagang pangalan mo? Bloody Mary? Mariana Benitez? Benitez Mary? Bloody Benitez? Bigyan ng time ang mga friends to get used to your new name or huwag na lang magulat kung natanggal kita sa list of friends ko. I probably thought you were someone I mistakenly added.
Ang mga nabasa ninyo ay hindi rules ng Facebook. Mga observations ko lang ‘yan na hindi ko na talaga kayang tiisin na itago pa. Mabait naman ako at friendly (sabi ng friends ko).
Hindi po ako galit. At habang may Facebook ako, malamang madadagdagan ang listahan ko.