Thursday, September 22, 2011

Panauhin: Love Sucks by Juanito Angoluan Jr.



Hiniram sa 




Love sucks


By Juanito Angoluan Jr.
====================


Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang.
Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang
panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.
O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
(At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong
ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!
Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang
nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa
namomroblemang tao?
Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala
Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!"
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga
taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan.
Siya! "Bakit niya ‘ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig
na ang pinag-usapan.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo
dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
Nakakaiyak.









Panauhing Manunulat


Juanito Angoluan Jr.
Nakatapos ng BSCS.

Nagtatrabaho bilang TSR sa isang outsourcing company sa Pinas.
Libangan niya ay manood ng movies esp Korean movies.
Sinulat nya and ‘LOVE SUCKS’ nung 2002.
Natatawa daw siya sa sarili niya habang sinusulat niya ‘to.





 

Thursday, August 25, 2011

Dysmenorrhea at Diarrhea, what do they have in common?



Dysmenorrhea at Diarrhea, what do they have in common?



Last week, nag-absent ako sa trabaho. Mga isang oras bago ako pumasok sinumpong ako ng dysmenorrhea. Bihira ako makaranas ng dysmenorrhea kaya naman when it happens ramdam na ramdam ko ito. As a result, I had to take the day off.

Madaming beses na nating narinig ang maraming babae na nag-absent sa trabaho o sa school dahil sa dysmenorrhea. Ang iba totoo at syempre and iba ay hindi. I have been in the teaching/training profession for a long time at narinig ko na yata lahat ng klase ng excuses ng mga uma-absent sa klase – mula sa pagkamatay ng kamag-anak, naubusan ng budget, inaway ng asawa at marami pang iba. Pero napansin ko lang ang laging ‘easy way out’ (meaning "kaylangan ko nang sabihin kaagad" o "dahil wala na akong maisip" excuse) ay dalawang dahilan – dysmenorrhea at diarrhea.

Napaisip tuloy ako kung bakit ang dalawang ito ang kadalasang excuse ng mga uma-absent and I came up with the following:

1.    Both are hard to prove. Paano mo patutunayan sa teacher o sa boss mo na ikaw ay meron nito? Magdadala ka ba ng sample ng dumi pagpasok? Magdadala ka ba ng gamit na napkin? (‘Ew’ to both!) 
2.    Madaling kumuha ng medical certificate. Again this goes to number 1, basta ma-explain ng maiigi sa doctor ang nararamdaman, totoo man o hindi, there is no other way to prove it. Magbayad ng medical certificate fee at meron nang magagamit pagpasok. Maliban na lang kung ang doktor ay mas mausisa at hihingi pa ng kung anong sample.
3.    It does not require much acting. Konting simangot at showoff ng pain, OK na. 
4.    Hindi ito nangangailangan nang pagsugod sa hospital dahil halos lahat ay alam ang first aid remedies ng mga ito, therefore safe ang mga acting prowess. Hindi ka mapapasubo sa hospital fees or anumang reseta kapag nagkaipitan na. 
Ayaw kong magmalinis. Inaamin ko na at some point in the past, I might have used one or both as my excuse for not going to work/school BUT I also admit na mahirap maranasan ang mga ito kung totoong nangyayari sa ‘yo.

Hindi siguro talaga lubos na maiintindihan ng mga lalakeng boss/teacher ang dysmenorrhea at ang sakit na dulot nito – ‘yung feeling na parang hinahalukay ang laman ng tyan mo; at ang sakit ay aabot hanggang sa dibdib, mawawala ng saglit at babalik. Mahirap din hanapin ang tamang pwesto para hindi masyado maramdaman ang sakit. Guys, magpasalamat kayo na  wala kayo nito.

Sa kabilang banda, malamang lahat tayo ay nakaranas na ng diarrhea at mga pasakit nito– malamig na pawis, nanghihinang katawan, pamumutla at pagtayo ng balahibo. The worst thing na pwedeng mangyari sa isang may diarrhea ay ang maranasan ito sa opisina, school o sa kahit saang pampublikong lugar. At worst, ay ang hindi mo kayaning pigilan ito at ikaw ay mapa-ano… alam mo na. Mabibiktima ng nakakasulasok na amoy nito ang mga taong ang nais lamang ay makahanap ng comfort sa isang public comfort room. Hindi mo gugustuhing maabutan ka nito sa mga nasabing lugar.

Tama! Marami ngang taong ginagamit ang dalawang nabanggit na sakit para makalusot sa trabaho o school pero tandaan din natin na may mga pagkakataong baka ang mga dahilan na ito ay totoo naman.

At para naman sa mga guilty, pihadong napangiti ko kayo.